Saturday, November 13, 2004

Ang Kadiliman (Chapter 1)

(NOTE: HINDI TOTOO ITO!!! Just a FICTION!!! he he he)
Glast Heim. Isang lumang kastilyo na nasa kanluran ng Lungsod ng Geffen. Walang may alam ng kasayayan ng Glast Heim. May nagsasabi na ito'y paboritong bakasyunan ng hari ng Prontera. Ang iba naman ito'y bahay ng mga magigiting na mandirigma. Kung ano man ang nangyari sa Glast Heim ay matagal na at ngayun ito ay pinamamahayan ng mga halimaw. Sabi sa alamat ng Glast Heim, si Baphomet ang lumusob kasama mga kanyang sundalo at siya ang naghari sa lugar. Meron mga matatapang na mandirigma ang pumunta sa Glast Heim at sumubok na patayin si Baphomet. Ngunit nabigo sila. Meron nakabalik ng buhay at meron ding hindi nakaabot. Dito din nagpupuntahan ang mga walang takot na Acolyte para lang mahasa ang kanilang kapangyarihan sa pagpatay ng mga laman loob sa sementaryo ng Glast Heim. Mula sa itaas ng kastilyo ng Glast Heim, nakatayo si Baphomet. Isang malaking halimaw na nakatayo sa gilid ng pinakamataas na poste ng kastilyo, tanaw nya ang buong Glast Heim. Tumingin si Baphomet sa silangan ng kastilyo at dun nya nakita ang mga tao na kinasusuklaman nya. Habang tinitignan nya ang mga tao, isang halimaw ang sumulpot mula sa pintuan. Isang halimaw na lumulutang sa ere sa ibabaw ng halimaw may simbolo na umiikot gawa sa kadiliman. Itong simbolo nakakapagpalabas ng matinding apoy sa hangin, ito ay si Dark Lord, isang walang pusong halimaw na gustong ubusin ang sangkatauhan. Pinuntahan ni Dark Lord ang kanyang pinaglilingkuran.
"Ano gusto mong sabihin, Dark Lord?" tanong ni Baphomet."Lahat po nakahanda na para sa plano nyo, aking Kamahalan," sagot ni Dark Lord."Magaling. Unang plano ay magsisimula na. Ipadala na ang mensahe," sabi ni Baphomet, ngumiti na magtatagumapay siya sa mga balak nya.
Tumingin ulit si Baphomet sa sangkatauhan mula sa kinatatayo nya. Alam nya na magtatagumpay siya sa mga plano na mawala ang mga tao at siya ang maghahari sa buong Rune Midgard. Pagkatapos nyang pangarap na pagharian ang buong Rune Midgard bigla siyang ngumiti na parang demonyo at humalakhak sya ng malakas rinig sa buong Glast Heim tapos tumalikod sya at pumasok sa kastilyo para maghintay.