Ang Muling Pagkikita (Chapter 2)
Disclaimer: Ito'y isang kathang isip lang kaya WAG nyo akong IPAKULONG!
Prontera. Ito ang kapital ng Rune Midgard. Ang Prontera ang pinkamalaking lungsod sa buong Rune Midgard. Matatagpuan ito sa gitna ng mundo. Pinamamahayan ng Simbahan ng Rune Midgard, kung san ang mga acolytes at pari ay nagsasanay para matulungan ang mga tao. Ito rin ang campo ng Crusaders, isang organisasyon na sila ang batas at sila rin ang nagsasagawa ng paraan para mailigtas ang mundo. Ito lamang na lungsod ang walang kuweba na puno ng mga mababangis na halimaw sa loob man o malapit sa lungsod. Ang culverts ,daungan ng "poopoo", ng Prontera ay pinamamahayan ng mga malalaking ipis kung tawagin ay "Thief Bug". Nag-announce ang isa sa mga Crusader na mag-recruit ng mandirigma o manlalakbay upang linisin ang culverts. As usual, ang gitna ng Prontera ay parang Divisoria, puno ng tao. Mga manlalakbay na dumadaan lamang, mga tindero na nagtitinda ng mga gamit, at ilang Crusader na nagpapatrolya upang panatilihin ang katahimikan sa lungsod, ito ang madalas mong makikita sa tuwing pupunta ka ng Prontera. Sa ngayun walang pakialam si Nayatrei sa mga tao sa lungsod. Naghahanap siya ng acolyte. Ilang saglit sa paghahanap nakakita siya ng acolyte, dali dali nya agad itong nilapitan. Habang papalapit siya nakita nya itong kinakausap nya isang panday at may nilabas na mula sa bulsa nito at binigay nya sa acolyte. Alam nya ang nangyayari, binilisan nya ang paglakad patungo sa acolyte. Mula sa likod ng acolyte may kinuha sa bulsa isang gemstone at hinagis nya ito sa paanan ng panday sabay bigkas ng mahika. Nang matapos ang pagbigkas sa mahika ng acolyte, biglang nawala ang panday. Nagpa-warp pala ang panday kung san man yun papunta bahala na.
"San papunta yung portal?" tanung ni Nayatrei.
"Sa lungsod ng Payon," sagot ng acolyte.
"Pwede mo ba ko gawan ng portal papuntang Geffen?"
"Oo ba, pero kailangan ko muna bumili ng gemstone para makagawa ng portal. Isang portal nagkakahalaga na 800 zenny. Hintayin mo lang muna ako dito." Naghintay si Nayatrei habang tinitignan nya ang acolyte na nawawala sa dami ng tao. Ilang minuto ang nakalipas, dumating na ang acolyte.
"Meron ka na bang perang pambayad?" tanung ng acolyte.
"Yup!" sagot ni Nayatrei. Sa pagtayo nya sa kinauupuan nya inilabas nya ang pera mula sa maliit na bag na dala nya. At binigay nya sa acolyte bilang pambayad. Kumuha ng gemstone ang acolyte hinagis nya toh sa paanan ni Nayatrei sabay bigkas ng mahika. Biglang may liwanag na lumabas mula sa paanan ni Nayatrei. Bago sya lamunin ng liwanag, tinignan nya ulit ang Prontera sa huling pagkakataon.
Geffen
Ilang saglit pa, nililinaw ni Nayatrei ang kanyang paningin kung nasa ibang lungsod na sya. Tumingin sya sa paligid at pinakinggan nya ang nakaraan nya sa lungsod na kung san sya pinanganak, Geffen, ang Lungsod ng Mahika. Nasa harapan nya ang pinagmamalaki ng lungsod, ang Wizard's Tower, bahay ng Wizard Guild. Dito nagpupunta ang mga magikero upang magsanay at sumali sa Wizard Guild. Ang Tower, si Nayatrei, miyembro ng Thieves' Guild ng lungsod ng Morroc, ay hindi interesado. Naglakad sya para hanapin ang kanyang tinitirhan na iniwan nya apat na taon ang nakakalipas. Wala syang kaalam-alam na nakatayo pa rin ang bahay nya kung san nya ito iniwan. Sa gilid ng bahay nya ay dun nakatira ang kababata na iniwan nya at nanirahan para magsanay sa Mage Guild. Habang naglalakad sa gilid ng lungsod biglang may sumigaw sa likod nya. Sinisigaw ang pangalan nya. Sino kaya ito?
"NAYATREI!" Biglang may sumuntok sa tiyan nya isang pigurin na gustong yakapin sya at bumalagta sya sa lupa. Pagtingin nya sa pigurin, nakita nya ang magndang buhok na pamilyar ang pagkatali, nalaman agad nya na sya ang kababata nyang kalaro na si Ysobel.


<< Home