Kung saan man Tutungo (Chapter 3)
Disclaimer: Ito'y isang kathang isip lang kaya WAG nyo akong IPAKULONG!
Lungsod ng Geffen. Kinilala ang Geffen bilang Lungsod ng Mahika dahil na din ito ang bahay ng Wizard Guild ng Rune Midgard. Ang Wizard Guild ay base sa malaking tower na nasa gitna ng lungsod. Isang malaking tower na may kweba sa ibaba ng Wizard's Room ay puno ng halimaw at maraming manlalakbay na dito nagsasanay, ang iba naman ay talagang pumupunta sa pinaka ilalim ng kweba pero hindi na nakabalik pa ng buhay. Ang lungsod ng Geffen ay nasa kanluran ng mapa ng Rune Midgard. Hindi malapit sa kung anu man pwera sa ancient ruin ng Glast Heim. Dahil sa malapit ang Geffen sa Glast Heim maraming manlalakbay ang humihinto dito at tumutungo sa ancient ruin dahil gusto maging sumikat sa pagpatay kay Baphomet. Ang Geffen ay nasa paanan ng Mount Mjolnir at nasa itaas naman nito ang lungsod ng Al De Baran at Juno. Ang unang napansin ni Nayatrei kay Ysobel ay nag-iba ang itsura nito simula umalis sya sa Geffen ilang taon ang nakakalipas. Kasing tangkad lang nya ang kababata. "Wow! Ang tangkad mo na ah. Magkasing tangkad na tayo." Pagkasabi ni Nayatrei. Ysobel, nagtatalon sa galak na nakita nya ulit ang kaibigan, bigla itong nagsungit at kinuha nya staff sa belt nya.
"Ang BAD mo!" ang sigaw ni Ysobel sa kaibigan sabay batok ng staff, nahilo at bumalagta si Nayatrei sa lupa. Nakahiga lang sya sa lupa baka may kasunod pang batok, nang hindi na gagawin ni Ysobel ang pagbatok sa kanya tumayo sya at pinagpag ang damit.
"Ano tinitingin mo,ha?" tanung ni Ysobel sa kaibigan ng tumayo ito.
"Wala!" ang sagot ni Nayatrei, na hindi nya masabi na kung gaano sya tumangkad at lalo nag-mature simula nung nawala sya.
"Oh ok," sabi ni Ysobel.
"Gusto mo makilala ang teacher ko? Mabait syang tao. Lagi syang lumalakbay at maraming story na shini-share."
Kaya pumunta agad sila sa Wizard Guild para ma-meet ni Nayatrei ang teacher ni Ysobel habang nag-uusap sila kung ano nangyari sa isa't-isa. As usual lagi nahuhuli ni Ysobel si Nayatrei at pinupokpok ng staff sa tuwing titingin ito sa dibdib ng mga babae kasi may pagkamanyak ang kaibigan, mabuti na lang nakapunta na sila sa Wizard Guild.
"May I help you?" tanung ng wizard na nakatayo sa gilid ng pintuan.
"Hinahanap po namin si Master Tichiel" ang sagot ni Ysobel.
"Tatawagin ko lang. Maghintay muna kayo dito." Sabi ng wizard na naglalakad patungong hagdan at simulang umakyat. Umupo sa sila sa bench malapit sa hagdan upang maghintay at tinuloy nila ang kwentuhan. Ilang minuto ang lumipas, narinig nila may bumababa sa hagdan. Yung wizard na bumati nila ang unang nakita nila at may kasama itong isa pang wizard.
"Yan ang teacher ko si Master Tichiel," bulong ni Ysobel kay Nayatrei, na tinuro nya.
Nakakita na ng wizard si Nayatrei nung nasa Thieves' Guild pa sya pero mukhang mas malakas tong wizard kesa sa mga nakita nya sa lungsod ng Morroc.
"Hari ba sya dito?" bulong Nayatrei kay Ysobel.
"Hindi noh. Bakit mo naman naisip na hari sya?" sagot na pabulong ni Ysobel.
"May suot kasi syang Crown." Pabulong sabi ni Nayatrei
"Ganun ba. Hindi sya hari. Tanungin mo na lang sya kung bakit sya may suot na Crown." Sagot ni Ysobel na pabulong din.
"Ysobel, kamusta ka na? Sino sya?! BF mo?" Ang tanung ni Tichiel na bumababa at nilapitan ang dalawang magkaibigan.
"Master naman, bata pa po ako," sagot agad ni Ysobel.
"Ako nga po pala si Nayatrei." ang sabi ng thief sa wizard.
"Oh. Ikaw ang sikat na si Nayatrei. Lagi kang kinukwento sakin ni Ysobel, kapag pumupunta ako sa lungsod ng Morroc lagi nya pinasasabi sakin na nasa mabuti syang kalagayan. Kasamaang palad, hindi kita makita. Siguro yung Thieves' Guild lagi merong pinapagawa sau at lagi kang busy." Napansin ng wizard na nakatitig ito sa Crown nya.
"Saan nyo po nakuha yung Crown nyo po?" ang tanung ni Nayatrei.
"Ito ba?! Nakuha ko toh sa pinaka ilalim ng pyramid ng Morroc nung lumalakbay pa ako." Ang sagot ni Master Tichiel. Binigay ni Master Tichiel ang Crown kay Nayatrei para matignan mabuti. Tumingin sya kay Ysobel at sabi "Ysobel, ngayun andito na ang kaibigan mo simulan na natin ang final exam mo. Sabihin mo sakin ang unang rule pag naglalakbay ang mage."
"Huwag maglakbay nag mag-isa," sagot ni Ysobel.
"Magaling! Para sa final exam mo kayong dalawa maglalakbay hanggang lungsod ng Prontera by foot. Sa tingin ko naman walang mangyayari sa inyong masama kasi hindi naman talaga delikado hindi nyo naman madadaan ang mga agresibong halimaw diba? Kaya wala kayo dapat ipangamba. Kakapunta lang dito ni Nayatrei. Magpahinga muna kayo bago maglakbay para naman makapaghanda kau. Pwede kayo magsama kahit ilan sa party. Magsisimula kau bukas ng umaga sa east gate ng Geffen." Ang sabi ni Master Tichiel. Kumuha sya ng papel sa kapa nya at sinulat ang mga instruction para sa exam at binigay nya kay Ysobel. Pagkatapos nayng ibigay ang papel nagpaalam at lumabas ng Wizard Guild.
"Panu ako napili para tulungan ka sa exam mo?" Ang tanung ni Nayatrei kay Ysobel ng pagkaalis ng wizard.
"Well...sinabi sakin ni master tungkol sa exam ko at sabi nya dapat may kasama akong kaibigan para lumakbay. Since ang mage umaabot ng taon ang pagsasanay para mamaster ang mahika at alam kong babalik ka dito sa Geffen pagkataops mong maging thief, sinabi ko na matutulungan mo ko sa paglalakbay." sagot ni Ysobel.
Lumabas ng Wizard Guild ang dalawa at binista nila ang pamilya nila at mga dati nilang kaibigan. Bumili na rin sila ng mga supply para sa paglalakbay nila. Nang umaga na sinuri muna nila mga supply tapos binalikan nila pamilya nila upang magpaalam. Papunta na sila sa east gate ng Geffen ng may natatanaw silang isang matanda. Si Tichiel na naghihitay sa kanila.
"Good Mornin sa inyong dalawa" sabi ni Master Tichiel na papalapit na ang dalawa sa kanya.
"Bago kayo umalis may ibibigay ako sa inyo. Na makakatulong sa paglalakbay nyo," inilabas ni Master Tichiel ang goggles at isang sumbrero na may Talisman sa unahan nito.
"Tanggapin mo Ysobel. Isa tong Munak Hat. Yung talisman na nasa harapan, proprotektahin ka nito mula sa mga laman loob. At Nayatrei tanggapin mo itong goggles, proprotektahin ka nito mula sa mga masasama. I wish you luck. Magkitakita nalang tau sa lungsod ng Prontera." Yun na ang Huling sinabi ni Master Tichiel, naglabas ng kung anong bagay sa kapa nya, pinalo nya, at bigla itong nawala.
"Tara lets!" ang sabi ni Ysobel at umalis na sila papuntang Prontera.


<< Home