Sunday, November 14, 2004

Magic Flakes (Chapter 4)

Disclaimer: Ito'y isang kathang isip lang kaya WAG nyo akong IPAKULONG!

Binuksan nina Nayatrei at Ysobel ang papel na binigay ni Master Tichiel at binasa agad nila ang guidelines ng exam. Sinamarize lahat ni Master Tichiel bago sila umalis ng Geffen. Kailangn nilang maglakabay mula Geffen hanggang sa lungsod ng Prontera ng walang halong tulong mula sa mga acolyte at pari. Dagdag pa dito ang pagsasanay ni ysobel ng mga spells at ini-expect na mamastered nya ang spells Apoy, Yelo, Kidlat at Kaluluwa.

"Tara lets!" ang sabi ni Ysobel na sobra sa excite, pumunta sila sa east upang simulan ang paglalakbay. Una nilang gagawin ay pumunta ng North sa lupang tulay na konektado sa isang isla na nasa gitna ng malaking sapa kung saan ang Geffen ang mainland ng Rune Midgard. Habang naglalakad sila may mga nakaksalubong silang manlalakbay at mandirigma. Dahil sa maraming halimaw na nakapaligid sa gilid ng lungsod ng Geffen, sa labas ng lungsod maraming mages ang nagsasanay ng kanilang spells sa ilalim ng kanilang mga masters. Nakita rin nila na may mga merchants na naglalakad sa Geffen papunta sa ibang pang lungsod. Nang naglalakbay sila at tinawid nila ang lupang tulay hindi sinayang ang pagkakataon nina Nayatrei at Ysobel na hasain ang kanilang mga skills sa paglaban ng mga wild monsters sa pagitan ng dalawang lungsod. Tinuraan ng basic fighting at stealing techniques si Nayatrei nung nasa Thieves'Guild pa sya, narinig nya tungkol sa Assassin's Guild na kunti lamang ang pumapasa at piling-pili ang nakakasali dito, at si Ysobel naman ay ini-expect na mastered nya ang lahat ng spells bago sya makarating ng Prontera, kaya nagsanay sila nga maigi araw-araw. Hindi lang wild monster ang pinagpra practisan ni Ysobel ng kanyang spells, pati mga halaman na ang hit damage ay"UNO". Isang araw, pumunta so Ysobel sa kagubatan para manguha ng panggatong. Nang makabalik sya nawala ang kanyang Magic Flakes, kaya hinanap nya toh. Sa bag na dala nila, sa gilid ng upuan nya at kung san pa nya hinanap.

Tinanung nya si Nayatrei na nakatalikod. "Nayatrei, nakita mo ba yung Magic Flakes ko?" tanung ni Ysobel.
"Hindi," sagot ng kaibigan. Paglingon ni Nayatrei may mga bits pa ng cracker ang bunganga nito. Nanlaki ang mata ni Ysobel.
"Kinain mo noh?!"
"Hindi ko kinain Magic Flakes mo noh"
"Kinain mo. Eh ano yang mga bits sa gilid ng mouth mo? diba cracker yan"
Kinuha ni Nayatrei ang salamin at sabay sabi "Oo nga noh.He he he sorry. Magic Flakes mo pala yun kala ko akin yun."
"Anung SORRY!!!" sigaw at nanlilisik sa galit si Ysobel.
"Sorry na," lambing sagot ni Nayatrei. Sabay takbo.
"Bumalik ka dito!!! NAPALM BEAT!!!"
"Yay!!! Pwede bang pag-usapan natin toh."
"Kausapin mo lelang mo. LIGHTNING BOLT!!!"
"It's just a cracker." takot na sabi ni Nayatrei.
"It's just a cracker ka dyan. Pa english-english ka pa. SOUL STRIKE!!!" inis na sabi ni Ysobel.
"Waaah. Hoy! Papatayin mo ba ako?!"
"Oo!!! SOUL STRIKE!!!"
Nang ma-cornered na si Nayatrei. "Wah! Peace na tayo!!!"
"Patay ka ngayun sakin. NAPALM BEAT!!!"
Nag-isip agad si Nayatrei kung panu nya maiilagan ang spell ni Ysobel.
Sumayaw na lang sya at kumata sya ng..."Tayo'y mag ocho-ocho...ocho-ocho...ocho-ocho na..."
Biruin mong nailagan ni Nayatrei yun.
Tumira ulit ng isa pang Napalm Beat si Ysobel pero bago i-chant ni Ysobel yun nasa harapan agad nya si Nayatrei na nakatitig sa mga mata nya. Napa blush si Ysobel ng titigan sya ni Nayatrei at sabay sabi
"Peace na tayo please. Bibilhan kita ng Magic Flakes pag may dumaan na merchant, promise," lambing na may halong pagkabolero.
"Promise?!" lambing na tanong ni Ysobel.
"I promise," sagot ni Nayatrei.
"O sige." (loka sumang-ayon agad ang bruha palibhasa...)

Papunta na sila sa camp nila may nakasalubong sila na puro babae.
"Hi pogi!" ang sabi ng isang babae.
"Hello!" naglalaway na sagot ni Nayatrei at sabay titig sa mga dibdib nito. Nanghina ito nang makakita ng dibdib ng babae. Nagalit at kinuha ni Ysobel ang kanyang staff mula sa likod pinokpok nya toh ng malakas sa ulo. Bumalagta si Nayatrei at may mga boobs na naglalakad sa ulo nito. Sinubukan namang samapalin ni Ysobel pero wa-epek. Kaya naisipan nitong tirahin ng Frost Diver.
"FROST.....DI?!"
Sabay tayo si Nayatrei ng marinig ang spell ni Ysobel."Tara na nga punta na tayo sa camp natin," sabay lakad ito.
"Manyakis talaga toh kahit kailan."inis na pagkasabi ni Ysobel.

Kinabukasan, habang naglalakad sila mayroon sila nakitang isang maliit na chapel malapit sa may sapa.