Chika Minute (Chapter 5)
Disclaimer: Ito'y isang kathang isip lang kaya WAG nyo akong IPAKULONG!
Kinabukasan, habang naglalakad sila mayroon sila nakitang isang maliit na chapel malapit sa may sapa. Nakita nila sa chapel isang priest at armadong grupo na nagpapahinga sa chapel. Nagtataka sila kung bakit armado sila kaya nilapitan nila ito.
"Grabe naman mga 'toh. Ano kaya ginagawa nila dito sa kabundukan na sobra armado? Sa pagka-alam ko wala namang threatening between Geffen at Prontera," pagkasabi ni Ysobel sa knight na pinupunasan nya ang sword.
"Narinig namin na may mga acolyte na pumupunta dito sa chapel na bigla na lamang inaatake ng vicious monster. Yung priest na nakita nyo narinig din nya yun. Sabi nila yung monster na umatake sa mga acolytes kamukha ng Giant Hornet. May nakita ba kayo na Giant Hornet habang naglalakad kayo?" sagot ng knight.
"May nakita kaming mga hornets pero lahat sila regular size," pagkasabi ni Nayatrei sa knight. Isang hunter ang nagsalita na nakasandal sa dingding.
"Well, kung may nakita man kayo na hindi maganda gamitin nyo lang toh," sabi ng hunter at binigay kay Nayatrei.
"Ito ay Fly Wings. Kapag nasa trouble kau, pisilin nyo lang yan at mapupunta ka sa ibang lugar. Pero siguraduhin mo na magkahawak kayo ng kamay or something dahil kung sinoman sa inyo ang pumisil sa Fly Wing siya ang mapupunta sa ibang lugar, Gets?"
"TY Manong!" sagot ni Nayatrei.
"Anong MANONG?! Gusto mo bawiin ko yan?" galit na sagot ng hunter.
"Sorry... Peace na tayo... Gusto mo kiss kita?"
"Bakla ka ba?! Gusto mo panain kita?"
"Sabi ko nga TY sa Fly Wing."
"Yan kasi. Lakas mong mang-trip." sabi ni Ysobel kay Nayatrei sabay batok.
"Aray! Nakaka isang daan ka na ha! Baka gusto mo..."
"ANO!!! Ano gagawin mo?" galit na tanong ni Ysobel sabay hampas sa dibdib ni Nayatrei.
"ARAY!!! Ano ba?! hampasin kita gusto mo...?"
"Sige nga hampasin mo nga...Kung kaya mo?!
"Babae ka lang...at malaki pa yan baka pumutok pa. Sayang yan."
"Buti alam mo."
"Teka bakit ka ba galit?! May Red Tide ka ba ngayun?"
"Anong Red Tide?!"
"Edi yung PMS!!! Babae ka hindi mo alam yun?"
"Malay ko ba?! Iniba mo yung term eh kung hindi ka naman sira."
"Oo na!!! Tara na nga...TY po sa Fly Wings...Mauna na po kami"
"Ingat kayo mga bata," sagot ng knight.
"Sige po...alis na po kami...Bye bye!!!" sabay kaway ni Ysobel.


<< Home